Nicole Lara… marami na kaming pinagdaanan ng babaeng ‘to. Simula grade 1 palang magkakalase na kami at ni isang taon ay di ko pinagsisihan dahil unti-unti kong natututnan sa kanya ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan.
Sa umpisa, magkaaway kami niyan. Walang araw noon na ‘di kami nagtatalo dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kahit simpleng pangalan lang ng Bratz o kasing komlikado ng naging problema namin noong grade 6 at 7 kami ay siguradong pagtatalunan pa namin. Ngunit sa paglipas ng taon at sa pagkawala n gaming itinuring na mga kaibigan at nagkapanatagan kami ng loon at simula noon ay naging matalik na kaming magkaibigan. Sabi nga, “Friendship is born at that moment when one person says to another, ‘what?! You too? I thought I was the only one!’”
Sabi nila, sa high school mo raw malalaman kung sinu-sino ang tunay mong mga kaibigan o SINO ang TUNAY mong KAIBIGAN. Marami akong nakasama’t nakasalimuha nang ako’y tumungtong sa high school. Lahat sila iba-iba ang pag-uugali’t pananalita. Mayroon akong nakasamang madikit sa kalokohan. Mayroon naming bata kung mag-isip. Pero, alam niyo kung kanino pa rin ako bumabalik? Tama… kay Nicole. Sa kanya ko kasi naramdaman ang pagpapahalaga, pag-aalala, at pagmamahal ng isang kaibigan.
Noong wala siya sa klase, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para bang nawawala ako. Hindi ko lam kung saan ako pupunta. Yun siguro ang mararamdaman ko kapag nawala siya sa buhay ko. Hindi ko kasi ma-imagine ang buhay ko ng walang Nicole Lara bilang isa sa mga best friend ko. Walang magsasabing “ano sapakin ko na ba?” kapag may nang-away sa’kin. Walang bubugbog sa braso ko kapag nanonood ng Twilight, New Moon, Eclipse at Breaking Dawn. Walang mag-reremind sa’kin na matulog na kapag waaay past my bedtime na. Walang mag-eencourage sa’king gawin ang mga gusto kong gawin pero walang lakas ng loob para gawin ang mga ito. Wala akong matatakbuhan sa oras ng aking pangangailangan.
Mas naging masaya at makabuluhan ang buhay ko nang pinili kong maging best friend si Nicole.
Get the chance to know her better. She really is a good friend. She may have flaws but hey, who doesn’t? You just have to see right through those flaws that everyone seems to perceive and you’ll be able to spot the Nicole I love. The Nicole who is willing to sacrifice a lot for a friend, the Nicole who, despite everything that’s been going on around you, won’t let you down, the Nicole who’ll make you smile when you feel blue, the Nicole who’d be positive for you when you feel pessimistic, the Nicole who’ll stick around when everyone has walked away from you. She may not be as good as you want her to be, but dude, SHE WAS BORN THAT WAY. Who says she’s not worth it? SCREW YOU!
No comments:
Post a Comment