“Hay naku! Grabe talaga ung nangyari sa’ting yun!” sabi ni Lyra.
“Oo nga eh. Feeling ko katapusan na natin yun! Pero naalala niyo ba yung mga pinatalikod ni Sir Manrique noon?” tanong ni Mike.
Biglang sumama ang tingin ni Ira’t Lyra sa kanya habang ang lahat ay tumatawa sa alaalang iyon.
“Sige na, kami na yun!” ang sabi ni Ira.
“Ang ingay-ingay niyo kasi. Yan tuloy, napagdiskitahan kayo ni Sir Manrique.” Ang sabi ko habang humahagikgik.
___________________________________________________________
Nag-Fifilipino kami isang hapon matapos ang Lunch Time. Ang saya-saya ng aming discussion nun tungkol sa Ibong Adarna. Kakatapos din lang ata namin manood ng Ibong Adarna sa AFP Theater noong isang linggo. Sa kanang bahagi ng classroom ang lahat ay tahimik, nakikinig at nagpaparticipate sa discussion habang ang kaliwang bahagi ay kinabibilangan ng mga kaklase kong pasaway at maiingay tulad nila Lyra, Ira, Lando, Israel, at iba pa.
Napuno na ata si Sir Manrique kay Ira’t Lyra kaya’t ang sabi ni Sir, “Ay naku Lyra, Ira, ang iingay niyo. At bakit ba kayo palaging tumitingin sa likod? May gusto ba kayo kay Rolando at Israel?”
“Yiiiiihhhheeee!” ang asar ng klase...................................................
......................................................................Nagsisipaghalakhakan pa ang grupo. Wala pa sa kanila ang makapagsalita. Ilang minuto ng tawanan ang lumipas, at si Chino ay nagsalita.
“Da best talaga kayong dalawa Lyrs!” ang sabi niya na sinundan ng isa pang ikot ng tawa.
Napahagikgik na lang din sila Ira’t Lyra sa nangyari.
“Di ko talaga makakalimutan yun.” Sabi ni Ira.
“Ikaw ba naman, patalikurin?! Sino bang di makakalimot dun?!” ang sagot ni Nelin.
“Ongaaaa!” agree naman ang buong grupo.
“Teka, teka! Bakit kami na lang palagi yung pinag-uusapan?” tanong ni Lyra. “naaalala niyo ba nung biglang kumatok si Mike sa pintuan nung nag-Fifilipino tayo?”
“OO!” ang sabay na sabi namin ni Nicole.
“Yun ba yung nagalit si Sir Manrique kasi late kayo?” tanong ni Adriel.
“Hay naku! Si Sir Manrique na naman ito!” sabi ni Gelai.
No comments:
Post a Comment